Nauto at isa rin ba kayo sa mga sumubok makapag-loan sa pamamagitan ng mga uso ngayong mobile lending applications sa ating mga cellphone?
Well, kung isa kayo sa mga taong tinutukoy ko ay dapat nyo talagang panoorin itong aking video dahil ang video kong ito ay magpapagising sa inyo kung bakit dapat habang maaga pa ay iwasan nyo na ang mga mobile lending apps na ito.
Alam nyo ba kung bakit? Kasi sa mga app na ito ay maaaring masira ang buhay nyo dahil lang sa pagkakamaling ito at yun ay ang pagkuha ng mga loans dito sa mga mobile lending apps na ito.
Kung pag-uusapan natin itong mga mobile lending apps na ito ay parang malaki din naman pwedeng maitulong nito sa atin sa panahon ng emergencies kasi mabilis silang mag-release at wala ng masyadong cheche-buretse, fill-up ka lang sa mga forms nila at mag-present ng ID's ay tiyak pasado ka na.
WATCH MY VIDEO HERE:
Pero ang di maganda sa mga apps na ito ay kapag di ka nakapagbayad on time ay dyan magsisimulang gumulo ang buhay mo dahil pagkatapos mong di makabayad sa itinakdang araw o due date mo ay dyan na sila magsisimulang atakehin ka o kulitin ka.
At simula sa araw ng paglagpas mo sa due date mo ay bawat araw ay papatak at papatak ang interest ng inutang mong loan sa kanila at ang nakakagulat ay di pa ito basta-bastang interest meaning malaki tinutubo nila talaga.
At ang higit sa lahat na tiyak ang di nyo mas magugustuhan ay lahat ng nasa phonebooks na mga numbers ng mga kapamilya mo, relatives o mga kaibigan o simpleng kakilala lang lahat ng mga iyan papadalhan nila ng mensahe na ang naglalaman ay parang isang pananakot. Magugulat ka nalang kapag nakatagpo ka ng isa sa mga taong nasa phonebooks mo dahil tatanongin ka tungkol sa nagtext sa kanilang taga lending apps na kung saan ay sinasabing pagbabayarin ka na dahil kung hindi ay ire-report ka sa NBI o ano pa dyan na mga uri ng pananakot.
Grabe noh, ini-invade ng mga mobile lending apps na ito ang ating privacy na sa tingin ko ay di dapat. Kaya dapat talaga kayong mag-ingat kung ayaw nyo mapahiya sa lahat ng mga taong nasa phonebooks nyo. Panoorin nalang ang aking video para sa mga karagdagan pang detalye tungkol dito.
Comments
Post a Comment